joshua_sx1 wrote:
Let's try to make this simple and basic... kapag for visa request processing ka pa lang, ang ibig sabihin 'non, either nasa employer na 'yung passport mo at nagre-request na sila ng visa para sa 'yo o pupuwede din naman na nasa agency lang 'yung passport mo at hinihintay lang 'yung visa request ng employer... then, kapag sinabi na sa 'yo na for visa issuance or stamping ka na, ibig sabihin 'non, granted na 'yung visa request sa 'yo at pupuwede nang iissue sa 'yo... kaya sa mga ganitong pagkakataon, karaniwan nang hinihingi sa atin ng agency 'yung mga iba pang supporting documents gaya ng authenticated documents at medical exam result... at ang visa issuance at stamping ay pupuwedeng gawin kung saan bansa ka pupunta (i.e. ito 'yung mga cases na ipinapadala ang ating passport doon sa host country for visa stamping) o 'yung karaniwan nang practice ngayon na sa foreign embassy na lang ang issuance at stamping ng visa (lalo na kung mayroon namang embassy sa Pilipinas 'yung foreign country)...
With all these visa request, processing, issuance at stamping, POEA has nothing to do with that... in fact, isa sa mga requirements ng POEA ang dapat ay may visa na 'yung aplikante kapag ipinasa na nang agency ang ating dokumento sa POEA for exit clearances at maissuehan ng OEC... the only way para malaman ng POEA ang visa processing status ng isang aplikante ay ang kumpirmahin ito mismo sa agency...
The only two main processing na involved ang POEa ay during approval ng job order at exit clearances... approval of job order is the initial stage at ito din ang isa sa mga dapat nating sinisiguro bilang aplikante bago tayo mag-proceed ng iba pang proseso o magbayad... exit clearances on the other hand is the last process... dito na ine-evaluate at ina-assess ng POEA ang ating mga dokumento (gaya ng visa, final employment contract, PDOS, atbp) kung ito ba ay tama, legal at naaayon sa kanilang pamantayan... kapag approved na ang exit clearances mo, saka ka pa lamang issueance ng POEA ng OEC kasama na doon ang pagbabayad ng POEA processing fee, OWWA Membership (or contibution), PhilHealth at SSS (GSIS or PAG-IBIG)...
So again, the only things that we can check with POEA are; una (and foremost) kung licensed at registered ba 'yung agency na inapplyan natin... pangalawa, kung may nakasampa bang reklamo (grievances) doon sa employer na kukuha sa atin... pangatlo, 'yung job order i.e. kung ito ba ay approved na o hindi pa... at pang-apat, 'yung exit clearances natin i.e. kung maissuehan ba tayo ng OEC o hindi... other than those, hindi na hawak ng POEA ang iba pang information with regards sa ating application...
Tanong ko lang. How easy is to request a job order from the employer? Sa akin kasi for stamping na ang visa ko but kakarequest lang ng agency for a job order sa employer dahil naubusan daw. Hindi naman sila naghingi ng processing fee sa akin. Parang direct hire din ako sa sitauation ko.