thank you po sa mga payo. sa tingin ko rin po naninibago lang siya sa sitwasyon nya. Dahil parang na-aapakan ung pride nya. May maayos na position na rin namn po kasi sya sa pinas. Sinubukan lang nya ang ibang bansa para sa experience. So mababaw lang ang reason nya, kaya ok lang siguro sa kanya kahit hindi cya magtagal sa kompany,, (sa aking opinion po lamang).
Sa aking sitwasyon po naman, nagtatataka lang po ako kung bkit ang dami nilang kontrata. Nun last time po kasi dahil sa inaayos na yung civil id pinapirmahan ako ng isang arabic na contract, pilit po akong nanghihingi ng english alphabet translation. Pero ito ay binasa laman sa harapan ko at sinabing hindi pa naman ito ang final na kontrata. Para lang ito sa pagpapakita sa gobyerno na may kontrata na. Bakit po ba may ganito scenario pa? Tapos ngayon may bagong kontrata, mas madetalye po ito at may english translation na. Pero ngunit, subalit, datapwat,

ito ay kontrata lamang para sa kumpanya at sa akin. Dapat po bang ito ay recognize ng embahada natin d2 sa kuwait? DAhil kahit direct hire po ako.. Iniisip ko po na ako pa rin ay isang ofw,, tama po ba?
