Hi ts.
Sana ay nasa malusog na pangangatawan at masayang disposisyon ka habang binabasa ang ang munting payo ko.
Wala pa ako asawa, kaya payo ito mula sa isang single na nakaranas na rin ng mga heart breaks at ang mamuhi sa mga taong nanakit sa akin whether mga lalaking minahal ko o kaya ang pamilya o malapit na kamag-anak.
SYempre sa umpisa masakit, sa isip sa puso. Masakit tanggapin na niloko ka ng taong mahal at pinagkakatiwalaan nyo.
Andyan na rin yung maiisip nyo pa anong sasabihin ng ibang tao, at kung ano tingin nila sa inyo bilang mag-asawa o pamilya.
Siguro palipasan nyo muna ang galit/poot nararamdaman nyo bago kayo magdesisyon. Cool off kung baga. Mahirap kasi pumili ng desisyon at mag-isip kapag magulo ang isip.
Kung kailangan nyo muna sya hiwalayan/cool off gawin nyo, pero kailangan pa rin nyo pagdesisyunan kung tuluyan nyo ng wawakasan ang pagiging mag-asawa nyo.
Assuming na mahal na mahal nyo pa rin sya, pero sa ngayon sinasabi nyo lang na hindi kasi napopoot kayo sa kanya... .
Ganito na lang isipin nyo o tanungin nyo sarili nyo:
1. Kaya nyo ba gawin na bigyan sya ng 2nd chance at pagkatiwalaan uli kung magkaroon kayo ng maayos na usapan?
2. Noon ba bago pa lang kayo mag-asawa o magkasintahan pa lang, nakitaan nyo ba sya ng signs na kaya ka
nya lokohin kahit sa maliit na bagay? Kung oo, malamang uulitin nya pa rin ang mali nya ng ilang beses pa
3. Kapag ba tuluyan kayo naghiwalay, magiging masaya at maayos ba kayo ng 2 nyong anak?
4. Natanong nyo rin na ba sa mga anak nyo kung magiging masaya sila kung maghihiwalay kayo ng mama nila para sa
katahimikan nyong mag-asawa?
5. Kung ikaw ang nagkamali o nabaligtad ang pangyayari. ano ang inaasahan mo magiging reaksyon ng mrs mo? At paano
kaya nya ito pagdedesisyunan?
Quote:
If you feel like crying kapag naaalala mo iyon, just let your tear flow... hindi nakakabawas sa pagkalalake 'yon... it makes you more human... and hold on to the point that, everything on this earth shall perish, whether we like it or not... mauubos din ang "poot" o "galit" na nararamdaman mo, pati na din ‘yung luha mo... and one day, when you look at what happened to you with no longer hatred in your heart, and that you are happy that moment, you may considered it as a blessing instead... at hindi mo malalaman o mararanasan ‘yung araw na ‘yon, kung gagawa ka ng isang bagay na pagsisihan mo din balang araw...
Swak na swak din ang sabi ni sir joshua_sx1. Dahil naranasan ko ito ng ilang beses. In the end, ako pa rin ang talo o mali, dahil malungkot ako sa nangyari o naging desisyon ko dati.
Ang tunay na pagmamahal o unconditional love, ay yung matatanggap mo pa rin sya kahit na ilang ulit ka na nasaktan sa mga nagawa nya pagkakamali. At ang unconditional love ay nag-uumpisa lang kapag nagawa mo ito.