Wow, sweet naman nang tagpuan ninyo... para akong nanonood ng Jaime de la Rosa at Rosa Rosal na penikula... PLEASE, don't ask me who are them, naririnig ko lang sa nanay ko 'yon kapag super sweet ang tatay ko sa kanya...

May kahigpitan ngayon ang Bahrain sa pag-issue ng airport visa o 'yung "on-spot visit visa"... bukod dito, may mga visa category pa silang sinusunod sa pagbibigay ng airport visa i.e. mostly those are in professional or business visas... so, I would strongly suggest na para hindi mapurnada 'yung mala-penikula ninyong pagtatagpo ng iyong partner, d'yan palang sa kinalalagyan ninyo mag-avail na kayo ng visit visa papasok ng Bahrain... although mas exciting nga siguro 'yung doon na kayo mismo sa airport o sa causeway kukuha ng visa, pero mas frustrating naman ito kapag hindi natuloy ang isa sa inyo - at baka makakita pa ng iba sa Bahrain ‘yung isa... at mauwi sa "crime passion" ‘yung "romantic" plan ninyo...
