It is currently Sat Oct 25, 2014 2:13 pm

All times are UTC + 8 hours




Post new topic Reply to topic  [ 319 posts ]  Go to page Previous  1, 2, 3, 4, 5 ... 22  Next
Author Message
PostPosted: Thu Jul 16, 2009 1:19 pm 
Offline
Guru

Joined: Tue Aug 26, 2008 5:17 pm
Posts: 11467
...I believe, what Iori Yagami shared is already an SOP sa mga school... :rollL


Top
 Profile  
 
PostPosted: Wed Jul 22, 2009 11:26 am 
Offline
Neophyte

Joined: Mon Jun 29, 2009 9:18 am
Posts: 9
kaye_selassie wrote:
mga sir and mam, pano mag pa authenticate of the ff:
school credencials 2lad ng diploma? and form 137 ng high sch.?
birth crtificate issued by nso?
crtificate of no marriade ussued by nso?
ano pa po bang ibang rquirmnts na ipapa authenticate?
salamat sa lahat... god bless




i was also required to have the redribbon for tor and diploma. after getting the tor and diploma from my school, i went to ched pamarisan ( depende to kung taga saan ka ). then sila na ang nag forward sa dfa, for pick up na lang after 2 weeks sa dfa gate 2. i wanted it earlier pero yun tlg ung sop nila. after 2 weeks mo pa makukuha sa dfa.


Top
 Profile  
 
PostPosted: Thu Jul 23, 2009 1:35 pm 
Offline
Neophyte

Joined: Wed Jul 15, 2009 6:25 pm
Posts: 5
thanks sa welcome ng mga admin/moderators..

hmm, akala ko kasi it's a new procedure na dapat school na magfoforward sa ched & dfa..hindi pala applicable ito sa lahat..


Top
 Profile  
 
PostPosted: Thu Jul 23, 2009 10:41 pm 
Offline
Regular

Joined: Wed Jul 22, 2009 4:30 pm
Posts: 429
Location: Tiger City
Iori Yagami wrote:
share ko lang experience ko tungkol dito...

i applied directly sa school na pinag-graduatan ko..then they gave me a claim stub after 1 week...

yung claim stub reflects a date kung kailan mo i-cla-claim sa DFA yung documents. i went to DFA on the day of the release, then within 45 mins and after paying 100 Php, i got my ribboned diploma & TOR...no long queue, etc...mabilis na ngayon.

or you can go to any DHL offices and give your claim stub, and pay an additional courier fee & it'll be delivered sa ino.


Tama si Iori Yagami...Wala na po yung pilahan na yan pa Malacanang.If saang school ka nag-graduate,doon ka dapat pumunta.Have your registrar/college department authenticate(pacertify true copy) yung diploma, TOR/RLE(pag nurse ka).Then attach nila yung S.O.(Special order number) with certification/ certify true copy pa rin ng school.Then ifoforward ito sa CHED/TESDA(saang category ka man nakakuha ng degree).Tapos, ifoforward na nila ito sa DFA(Manila).Yung claim stub ibibigay sa iyo at nakaindicate doon date ng pagclaim mo.Yung applicant, sa date ng claiming saka pa lang magbabayad sa DFA ofc na, after ng payment balik siya sa windom(designated) kung saan ito marerelease.Sa mga absentee applicants pwede po ipa-authorize sa kamag-anak o kaibigan basta lang may SPA or authorization letter kayo with photocopy ng ID niyo at ng na-authorize niyong magcaclaim.Please take note na if saang school kayo nag-graduate if probinsya, doon kayo magpacertify true copy, if manila doon din lang kayo.Di na po nag-eentertain ang CHED dito sa Manila na ang applicant eh sa province naman nag-graduate.Ok clear na po ito...wala ng dumadaan sa Malacanang ngayon.If province ka, pag naibigay sa iyo ang stub, Manila mo ito macaclaim na.Claiming area ng TOR/Diploma Red Ribbon sa DFA ay sa loob ang pila.Ibang claiming area naman yung sa mga PRC, NSO docs at mga CEO.

Sa PRC docs(Professional License, Board Certificate, Board Rating), ang proseso naman, magpunta sa PRC ofc, fill up request a DFA authentication form, magbayad sa cashier.Make sure to secure a clear photocopy of your docs na ipa-authenticate, have it done with documentary stamp.Pati po original docs need ipresent.Then once makabayad isusubmit sa windows nakaindicate sa form na nafill up-an.Present your OR receipt then dun din nakaindicate na kelan yung claiming date niyo sa DFA.Yung original docs niyo will remain sa PRC for a while.There are 2 claim stubs.Yung isa sa PRC sa original docs nyo.Usually after 2 days macaclaim niyo na original docs niyo sa PRC ofc, then sa DFA naman yung isa.

Sa mga certificate of employments...yun sa City Hall Manila pa rin.Have your COE's be photocopied, punta kayo sa 4th floor rm. 401, may clerk mag assist sa inyo, papupuntahin kayo sa kakuntsabang notary public at dun saang room man isinulat niya doon kayo irerefer magpanotary.Per document may bayad.Take note po saang destination kayo magwork.Sa akin sa Libya kasi kaya 8 ang COE's ko...naku individually ito napanotary kasi yun ang chuva ng agency ko at require daw sa Libya embassy.Tapos pagkabayad,( forget ko na how much per docs kasi dami ko binayaran LOL!), balik ulit sa Rm 401 kung sino nag-assist sa inyo doon kayo pumunta, then itatype na info based sa notarized doc mo, tapos pagbabayarin kayo sa cashier, forgot ko na rin ang payment per docs basta halos nearly 1K din binayaran ko.Then pagbalik sa clerk may bayad pa ulit yun 25 pesos per document.Tapos ibibigay sa isang clerk na nagrerecord ilan ang docs mo.Pababalikin ka when mo iclaim.Wala silang service na derecho na yung docs sa DFA.So yung applicant ang mag caclaim sa City hall sa date nakaindicate sa claiming stub.Then please take note na half day lang nag rereceive ang DFA ng authentication ng docs na galing directly sa applicant.7-11AM lang po.Pag lumagpas na doon next day na nila ito ireceive.Sa loob din ang pilahan, different sa CHED/TESDA authentication area.May line up na dito so dapat agahan niyo na lang.Prepare your application form, tick off anu-ano yung docs pa-authenticate, ilang copies then sign.Ipapareceive ito sa clerk, presenting your ID, kikilatisin niya ang mga docs niyo.May ibang applicants minsan nirerequest ng clerk ipakita ang originals kaya bring niyo lang ito.Tapos, bigyan kayo ng 3 copies receipt punta na naman kayo sa labas, doon ang cashier magbayad, 100 pesos per document.One copy kunin ng cashier, then yung orange copy sa clerk balik kayo doon kung saan kayong clerk nagpareceive ng docs niyo.Tapos, yung pink retain sa inyo.Nakaindicate kelan niyo ito i-claim.Ang claiming area na is sa labas na ito pagbalik niyo.As at this time 5 working days ang authentication sa COE, NSO docs, NBI,employment contracts, driver's license etc.

2GO(aboitiz), DHL and LBC ay nagbibigay na rin ng express delivery services.Nasa loob na rin sila ng DFA, tanong-tanong lang kayo if may mga dapat pa kayo asikasuhin you can utilize yung services nila, ipadeliver na lang ninyo sa mga bahay niyo.

Other further authentication sa embasies, Eg. UAE, all ribbonized(DFA) docs, through lang sa DHL sila na ang bahala magpa-authenticate.Applicants are not allowed to go directly in UAE embassy.1,700/Ribbonized DFA docs. Sa Libya embassy naman, 1,400/Ribbonized DFA doc(applicant's agency lang ang authorized magprocess nito).

Note:I am the one who processed my sister's docs for her requirements sa UAE kaya I learned this by experience.

So, goodluck sa lahat ng nacocomplete ng docs nila.


Top
 Profile  
 
PostPosted: Fri Sep 25, 2009 12:13 am 
Offline
Neophyte

Joined: Thu Sep 24, 2009 9:58 pm
Posts: 5
Hi guys... Just new here...

Share ko lang na sa tulad ko na galing ng STATE U, no need na pumunta ng CHED. I am actually processing the authentication of my TOR and diploma. Sabi kasi ng staff sa registrar's ofc namin, Dretso na raw ako ng DFA after ko makuha ang certification nila, which is scheduled tom (09-25-'09). This is good news for me since minamadali na ang docs ko dahil I'll be leaving for Dubai,UAE very soon...

I am a first timer so initially I really didn't know that this is a requirement.. Ngayon lang kasi ko nagka-interest mag abroad... Ang sentimiento ko lang sa agency ko, hindi kasi nila agad ako in-orient sa lahat ng requirements ko such as this... Naging cause of delay tuloy... Tapos na kasi ko mag PDOS and actually ang tentative sched ng alis ko ay sa End of this month sana, kaso nga dahil dito sa authentication... Madedelay ang alis ko..

After na makuha ko ang red ribbon, ipapa-attest pa daw ito sa UAE embassy in Makati. They are asking me for a processing fee worth Php2,135... GUys, tanong ko lang po, ako ba talaga ang dapat na magbayad ng attestation fee? Kasi yung isa kong kakilala na pumunta ng Abu Dhabi, employer daw ang may sagot nun... Well, Siguro depende lang sa employer, kasi sya no placement fee ako meron(equiv. to 1mo. salary)...sad...:pale: Another question, how long does it usually take to process the attestation of my docs in UAE embassy?


Top
 Profile  
 
PostPosted: Fri Sep 25, 2009 3:54 pm 
Offline
Guru

Joined: Tue Aug 26, 2008 5:17 pm
Posts: 11467
eureka wrote:
GUys, tanong ko lang po, ako ba talaga ang dapat na magbayad ng attestation fee? Kasi yung isa kong kakilala na pumunta ng Abu Dhabi, employer daw ang may sagot nun...
...hindi required na ipasa sa employer 'yung cost ng authentication process... base din sa POEA regulation, isa ito sa mga dapat i-shoulder ng isang aplikante gaya ng medical exam...

...kung may mga employer na willing sagutin ito, ahamdula, isa ka na sa mga pinagpala na aplikante... but then again, hindi ito required sagutin ng employer...
eureka wrote:
Another question, how long does it usually take to process the attestation of my docs in UAE embassy?
...usually, 5 working days would be enough...

...welcome nga pala sa forum eureka...


Top
 Profile  
 
PostPosted: Fri Sep 25, 2009 8:44 pm 
Offline
Neophyte

Joined: Thu Sep 24, 2009 9:58 pm
Posts: 5
Salamat sa reply mr.moderator joshua_sx1...and tnx din sa warm welcome!!! :razz:

Hindi naman pala ganun katagal ang attestation. I was expecting na aabot ito ng 1 month. Buti na lang mas mapapabilis... Can't wait to work overseas... Kailangan na kasi talaga!

Meron lang ako another question, sa DFA ba ang TOR at Diploma is considered as one document? Kasi nagtataka ko bakit ang ipinabayad sakin ay P100 lang... I was expecting na P200 ang sisingilin sakin(P100/doc) kasi TOR and Diploma nga ang ipina-red ribbon ko. Sa application form na finill-upan ko 2 docs ang inilagay ko, pero sa receipt na binigay ng DFA staff, 1 doc lang ang count nya... Nag aalala ko baka naoverlook ng in-charge yung mga attachments ko at isa lang sa diploma or TOR ko ang malagyan ng red ribbon. Pero ang ipinagtataka ko lang eh, chineck naman nya yung mga docs ko... Sa October 1 pa ang releasing ng docs ko so by then malalaman ko kung magkakaproblema... Mga ever active moderators, Ano sa tingin nyo?


Top
 Profile  
 
PostPosted: Fri Sep 25, 2009 9:12 pm 
Offline
Guru

Joined: Tue Aug 26, 2008 5:17 pm
Posts: 11467
...I believe so... they are considering both TOR and diploma as one document - since iisang school administration lang naman dapat manggaling ang diploma at TOR... masyado nang redundant kung pag-iibahin pa ang red ribbon ng dalawa... masyado nang mahahalatang negosyo lang ng ating government ang authentication... check your receipt kung both TOR & diploma were mentioned there...

...but there are also known cases na TOR lang ang ipina-authenticate lalo na doon sa mga undergrads... pero bibihira lang 'yung mga ganitong cases, kasi, hindi naman tiyak tatanggapin sa ibang bansa kung ang documents mo ay kulang... I believe, applicable lang ito sa mga cases na halimbawa ay ipagpapatuloy mo ang pag-aaral mo sa ibang bansa at susubukan mong i-credit kung ano 'yung mga subjects na pupuwede mo nang hindi kunin...


Top
 Profile  
 
PostPosted: Sat Sep 26, 2009 8:37 am 
Offline
Neophyte

Joined: Thu Sep 24, 2009 9:58 pm
Posts: 5
Salamat ulit!!!

Napakahusay nyo.. Wala ata kayong tanong na hindi nyo kayang sagutin para sa mga OFWs and OFW aspirants...

Dahil dyan, HATS OFF!!!


Top
 Profile  
 
PostPosted: Sun Sep 27, 2009 12:48 pm 
Offline
Guru

Joined: Tue Aug 26, 2008 5:17 pm
Posts: 11467
...hindi naman, on time lang ang inom ko ng vitamins... he he he, joke lang... but anyway, marami naman dito ang magagaling din... dahil sa mismong personal experiences o sa mga kakilala nila kinukuha 'yung mga shina-share dito... kaya nga 'yung mga ibang forum na hindi na kayang sagutin 'yung mga katanungan, dito na lang nagre-refer... he he he, 'yon hindi joke... :mrgreen:

...gaya mo, you'll gain experience once na makaalis ka na ng bansa... and when you started sharing those "experiences", magaling ka na sa mga nag-uumpisa... and the more struggle you encountered and passed... the more you can share good inputs... kaya minsan, 'yung "struggles" and "failures" are also blessings... if we are going to look it in different perspectives...

...again, goodluck... :wink:


Top
 Profile  
 
PostPosted: Mon Sep 28, 2009 10:19 pm 
Offline
Neophyte
User avatar

Joined: Tue Mar 04, 2008 10:58 am
Posts: 4
joshua_sx1 wrote:
...I believe so... they are considering both TOR and diploma as one document - since iisang school administration lang naman dapat manggaling ang diploma at TOR... masyado nang redundant kung pag-iibahin pa ang red ribbon ng dalawa... masyado nang mahahalatang negosyo lang ng ating government ang authentication... check your receipt kung both TOR & diploma were mentioned there...

...but there are also known cases na TOR lang ang ipina-authenticate lalo na doon sa mga undergrads... pero bibihira lang 'yung mga ganitong cases, kasi, hindi naman tiyak tatanggapin sa ibang bansa kung ang documents mo ay kulang... I believe, applicable lang ito sa mga cases na halimbawa ay ipagpapatuloy mo ang pag-aaral mo sa ibang bansa at susubukan mong i-credit kung ano 'yung mga subjects na pupuwede mo nang hindi kunin...

I-confirm ko lang 'tong reply ni joshua_sx1.
Hawak ko ang "Authentication Slip" ng TOR/Diploma ko sa I'm typing this. Under sa column ng "Authentication Fees" magkasama sa iisang box ang "Diploma/Transcript/Clinical Records". Naka-print naman sa lower right portion ng DFA stamped page ang "...CHED R-xx Certification re: Transcript of Records & Diploma issued to...".
So considered nga as 1 document ang TOR & Diploma.


Top
 Profile  
 
PostPosted: Mon Sep 28, 2009 10:51 pm 
Offline
Senior
User avatar

Joined: Fri Sep 01, 2006 8:47 pm
Posts: 1687
Location: balik OFW...
pag magpapaaunthenticate ka ba sa DFA ng TOR/DIPLOMA masyado ba silang mahigpit sa date kung kelan mo kinuha ung certified true copy mo na TOR/DIPLOMA. Ung akin kasi may extra copy pa ko ng certified true copy TOR&DIPLOMA kaso nung year 2006 pa un balak ko un nalang ang ipaauthenticate ko kasi marami pa hassle kung uuwi pa ko ng province para kumuha nun eh meron naman akong hawak na kaso way back 3 years ago na un..what do u think? may nakakaalam po ba dyan sa inyo..maraming salamat po...


Top
 Profile  
 
PostPosted: Tue Sep 29, 2009 1:07 pm 
Offline
Guru

Joined: Tue Aug 26, 2008 5:17 pm
Posts: 11467
emz acosta wrote:
..what do u think?...
...I think :rollL hindi ka naman required kumuha ulit ng bago... actually hindi lang "I think", I'm sure of it... walang expiration ang authentication... although, it was mention in one post here about the "expiration" of authenticated documents... but my source from DFA still said na wala naman expiration ang authentication... unless na may expiration ang diploma at TOR mo :mrgreen: ...

...required ka lang magpa-authenticate ulit kung (1) nawala 'yung dati mo o hindi mo nabawi sa previous employer mo, (2) ibang embassy ang naka-stamp sa likod ng document at ibang bansa naman ang susunod mong destinasyon (but on this case, 'yung sa DFA lang ang kailangan mong palitan), at (3) expired 'yung licensed mo na issued ng PRC...


Top
 Profile  
 
PostPosted: Tue Sep 29, 2009 3:48 pm 
Offline
Regular

Joined: Wed Sep 02, 2009 1:51 pm
Posts: 133
ang nakared ribbon na school credentials kahit pauli uli mong gamitin ok lang..kahit yun pa din ipasa mo sa bago mo inaaplayan..

pero parang ang tanong yung certified true copy TOR&DIPLOMA na ipapaauthenticate..hehe..la akong idea..sir josh, baka alam mo...e sana naman pwede pa yun kahit matagal na binayaran din yun a..pwede pa siguro yun, d nga strict sa authenticated na, yun pa kayang certification lang ng true copy..


Top
 Profile  
 
PostPosted: Tue Sep 29, 2009 3:57 pm 
Offline
Guru

Joined: Tue Aug 26, 2008 5:17 pm
Posts: 11467
...same thing goes with certified-true-copies... wala din s'yang expiration... unless may nakalagay sa certified-true-copies ninyo na ganito: "This Certified-True Copy is Valid Only up to (Date)"... or something to that effect... :rollL

...and besides, the certified-true-copy document has the same value as the original document... in fact, there are even cases na mas prefered ang certified-true-copies... if you will notice, hindi tinatanggap ang original documents for authentication... only certified-true copies... :wink:


Top
 Profile  
 
Display posts from previous:  Sort by  
Post new topic Reply to topic  [ 319 posts ]  Go to page Previous  1, 2, 3, 4, 5 ... 22  Next

All times are UTC + 8 hours


Who is online

Users browsing this forum: Yahoo [Bot] and 1 guest


You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot post attachments in this forum

Search for:
Jump to:  
Powered by phpBB® Forum Software © phpBB Group