Ituloy ko na, para hindi OT 'yung post ko sa itaas...

ethonmiller wrote:
Paano po ba ang systema or paano ang gagawin para pwede mag Own a dog as OFW?
Ano requirements?
As far as I know, wala namang batas ang UAE na nagbabawal sa pag-aalaga ng hayop... mas acceptable pa nga ito kaysa sa mag-alaga ka ng T.N.T...

Pero, binibigyan din ng kalayaan ang building owner or flat owner na mag-decide para dito... kaya ang ibig sabihin, kahit hindi ito ipinagbabawal ng UAE, pero ipinagbabawal naman ito ng building or flat owner at may kontrata kayo ukol dito, hindi ka pupuwedeng mag-alaga ng pet sa iyong flat or accommodation...
At kung saka-sakali man na allowed o wala namang problema ito sa may-ari, may guidelines ang UAE para dito... na halos parang pareho lang din sa atin gaya ng required vaccination, at livable place at environment at as long na wala kang kapitbahay na magrereklamo...